DFA, kinumpirma na may daan-daang Pinoy crew members ang barkong naka-hold sa California dahil sa COVID-19

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na 518 na Filipino crew members ang sakay ng MV Grand Princess na naka-hold ngayon sa San Francisco, California dahil sa pagpositibo sa COVID-19 ng ilang sakay nito.

Ayon sa DFA, ito ay mula sa kabuuang bilang na 1,111 crew members.

Ina-alam na rin ng DFA kung may mga Pilipinong pasahero na sakay ang barko.


Sinasabing may ilang mga pasahero at crew na hindi pa mabatid ang nationalities ang nakikitaan ng sintomas ng virus at patuloy silang sumasailalim sa pagsusuri ng health experts doon.

Facebook Comments