DFA, kinumpirma na walang Pilipinong nadamay sa nangyaring shooting incident sa isang bus station sa Jerusalem

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pinoy na nadamay sa isang shooting incident sa isang terminal sa Jerusalem.

Ayon kay DFA Spokesperson Angelica Escalona, naka-monitor pa rin ang embahada doon sa nasabing sitwasyon.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang DFA sa mga pamilya ng nasawi at nasugatan sa naturang pangayayari.

Sa inisyal na imbestigasyon, umabot sa anim ang nasawi sa nasabing insidente.

Facebook Comments