DFA, kinumpirma na walang Pinoy na kabilang sa casualties sa nangyaring wildfire sa Northern California

California – Kasunod ng nangyaring wildfire sa Northern California.
Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Filipino na kabilang sa mga casualties.
Sa ulat ni Philippine Consulate General in San Francisco Henry Bensurto, 15 sunog ang nangyari na tumupok sa 29,500 hectares sa Northern California kung saan sumira ito ng 1,500 estraktura at dahilan kung bakit inilikas ang 20,000 mga residente.

Pumalo na rin sa 10 ang naitatalang casualties sa nasabing insidente.

Kasunod nito mahigpit na minomonitor ng ating Embahada ang sitwasyon ng ating mga kababayan doon.
Sa datos ng DFA, mayroong 13,500 na mga Pinoy ang naninirahan at nagttrabaho sa Napa, Sonoma, at Yuba counties na apektado ngaon ng wildfire.


Facebook Comments