DFA, kinumpirma na walang Pinoy na nasaktan sa landslides sa India at Nepal

Manila, Philippines – Tiniyak ng Philippine Embassy sa New Delhi at Philippine Consulate General sa Kathmandu na walang Pilipinong nasaktan o nasugatan sa malawakang pagbaha at landslides sa Nepal at India.

Sa kabila nito, patuloy ang pag-monitor ng embahada at konsulada ng Pilipinas sa sitwasyon doon.

Sa Nepal, halos limampu ang nasawi sa nasabing kalamidad at isang daan katao ang naapektuhan habang sa Himachal Pradesh sa India, apatnapu’t lima ang nasawi at maraming iba pa ang nawawala.


Nagpaabot na ng pakikiramay ang DFA sa mga naapektuhan ng kalamidad sa India at Nepal.

Facebook Comments