DFA, kinumpirma na walang Pinoy sa abroad na panibagong binawian ng buhay sa COVID-19; karagdagang 15 pang Pinoy, nagpositibo

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipino sa abroad ang panibagong binawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Bunga nito, nananatili sa 666 ang bilang ng mga Pinoy sa ibang bansa na nasawi sa virus.

Gayunman, 15 mga Pinoy sa Asia and the Pacific at Europe ang panibagong tinamaan ng COVID-19.


Bunga nito, umakyat na sa 9,407 ang bilang ng mga Pinoy sa abroad na nagpositibo sa virus mula sa 71 na mga bansa.

3,279 naman sa naturang bilang ang active cases.

Habang 5,462 ang naka-recover matapos madagdagan ng isang recovery mula sa Europe.

Facebook Comments