
Kinumpirma ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega na 69 Pilipino ang nasa kustodiya ngayon ng US Immigration and Customs Enforcement o ICE.
Sa harap pa rin ito ng crackdown operations na pinatutupad ng US Government.
Ang mga Pinoy na pinigilang makabalik ng Amerika ay nagbakasyon lamang subalit sila ay hindi na pinapasok ng Estados Unidos.
Tiniyak naman ni De Vega na binibigyan na ng legal assistance ng Philippine government ang mga Pinoy na nasa kustodiya ng US ICE.
Nilinaw din ni De Vega na sa
28 Filipinos na hinuli at pina-deport ng US Immigration and Customs Enforcement , wala aniya sa mga ito ang pinadala sa third country o sa ibang bansa tulad ng El Salvador.
Nilinaw ng DFA na lahat nang pina-deport na Pinoy ay sa Pilipinas pinabalik.
Una nang nanawagan sa pamahalaan ng Pilipinas ang mga militanteng Pilipino na nasa US na tulungan ang mga Pinoy doon na hinuli ng US ICE Police.









