
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na iisa lamang ang inisyu nilang Philippine passport kay dating Presidential Spokesperson Herminio “Harry” Roque Jr.
Batay sa official records ng DFA, ang passport ni Roque ay inisyu noong July 2024, at mananatili itong balido hanggang sa July 9, 2034.
Kinumpirma rin ng DFA na ang naturang 10-year passport ay ang nag-iisang active passport sa pangalan ni Roque.
Awtomatiko ring kinansela ng DFA ang regular passport ni Roque na inisyu sa kanya noong October 16, 2019, matapos ang renewal nito ng 2024 booklet.
Kinumpirma rin ng departamento na ang diplomatic passport na inisyu kay Roque noong December 2, 2017, kung saan siya pa ang Presidential Spokesperson, ay nag-expire na noong December 1, 2022.
Nilinaw rin ng DFA na mahigpit na ipinagbabawal sa Filipino citizens ang pagkakaroon ng mahigit sa isang pasaporte.









