DFA, kinumpirmang kinansela na nila ang passport ni dating Cong. Zaldy Co

Kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro na kinansela na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pasaporte ni dating Cong. Elizaldy Salcedo Co.

Sa statement ni Sec. Lazaro, sinabi nito na ito ay alinsunod sa resolution na ibinaba ng Sandiganbayan ngayong araw, December 10 2025, at sa kautusan ni Pangulong Bongbong Marcos.

Kaninang umaga, inanunsyo ni PBBM na kanselado na ang pasaporte ni Co.

Facebook Comments