DFA, kinumpirmang may mga Pilipinong nadamay sa car accident sa Singapore

Kinumpirma ng Dept. Of Foreign Affairs (DFA) na may mga Pilipinong nadamay sa isang car accident sa isang shopping mall sa Singapore.

Ayon kay DFA Asec. Ed Meñez – patuloy ang pangangalap nila ng validated information.

Nakikipag-ugnayan na sa embahada ng Pilipinas para tiyaking agad maibibigay ang lahat ng tulong para sa mga biktima.


Sa natanggap nilang impormasyon, apat na babaeng pedestrian ang nasawi habang apat ang nasugatan matapos sumalpok ang isang sasakyan sa Lucky Plaza, isang sikat na pasyalan ng mga Filipino domestic workers.

Bumangga ang sasakyan sa metal railing hanggang sa salpukin ang ilang biktima.

Facebook Comments