DFA, kinumpirmang nabawasan na ang barko ng China sa Julian Felipe Reef

Kinumpirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. na may mangilan-ngilan na lamang na mga barko ng China ang naiwan sa Julian Felipe Reef.

Ayon kay Locsin, base sa ulat ng National Task Force, 9 na lamang ang natitirang barko ng Tsina sa nasabing reef.

Muli namang hinimok ni Locsin ang China na alisin na ang kanilang mga barko sa
pinag-aagawang teritoryo.


Aniya, bagama’t itinuturing itong traditional fishing grounds, mayroon aniyang international law na dapat sundin partikular ang nakapaloob sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at ang arbitral award.

Facebook Comments