DFA, kinumpirmang walang naitalang bagong Pinoy sa abroad na gumaling at nasawi sa COVID-19

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang panibagong 15 Pilipino sa ibayong dagat na tinamaan ng COVID-19.

Ayon sa DFA, wala ring Pinoy sa abroad ang naitalang gumaling at nasawi sa araw na ito.

Sa ngayon, umaabot na sa 8,432 ang bilang ng mga Pinoy sa abroad na tinamaan ng COVID-19.


Ito ay mula sa 57 na mga bansa na apektado ng virus o ng pandemic.

2,815 naman na mga Pilipino sa ibayong dagat ang patuloy na ginagamot sa nasabing sakit.

5,081 naman ang kabuuang gumaling habang 536 ang kabuuang binawian ng buhay.

Facebook Comments