DFA, kinumpirmang walang nasawing Pinoy sa magnitude 7.1 na lindol sa Mexico

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na walang Filipino na kabilang sa casualty sa nangyaring magnitude 7.1 na lindol sa Mexico.

Ayon sa DFA nasiguro na ng ating embahada sa Mexico ang kaligtasan ng ating mga kababayan at wala silang natanggap na ulat na mayruong mga Pinoy ang nasugatan o nasawi sa nasabing pagyanig.

Sa datos ng DFA mayroong 60 mga Filipino ang nagttrabaho at nakatira sa Mexico.


Nabatid na ito na ang ikalawang lindol na tumama sa Mexico ngayong buwan.

Una dito ay nuong Sept. 7 kung saan 54 na indibidwal ang nasawi sa magnitude 8.1 na lindol at kanina, muling niyanig ang Mexico ng magnitude 7.1 na lindol at sa pinakahuling impormasyon umaabot na sa mahigit 100 ang nasawi

Samantala, nagpa abot narin ng pakikiramay ang Gobyerno ng Pilipinas sa Mexico

Sa statement ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella sinabi nitong kaisa ang Pilipinas sa pagluluksa lalo na sa mga biktima ng lindol.

Facebook Comments