
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipinong nasaktan sa kasalukuyang kaguluhan sa Lebanon.
Ayon sa DFA, may 14,000 Pilipino ang naninirahan at nagtatrabaho sa bansa, batay sa datos ng Disyembre 2025.
Nanawagan ang Pilipinas sa lahat ng partido na sangkot sa conflict na ipatupad ang ceasefire alinsunod sa United Nations Security Council Resolution 1701.
Hinihimok din ng DFA ang mga partido na sumunod sa international humanitarian law upang maprotektahan ang mga sibilyan, UN personnel, at mga humanitarian, health, at media workers.
Bukod dito, nanawagan ang Pilipinas na payagang makapasok ang diplomatic efforts para maresolba ang tensyon sa Lebanon.
Facebook Comments










