DFA, kinumpirmang walang Pinoy ang kabilang sa naitalang casualties sa pananalasa ng bagyo sa Texas

Texas – Nagpaabot ng pakikiramay at simpatya ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pananalasa ng bagyong Harvey sa Texas.

Nabatid na 5 ang kumpirmadong nasawi habang marami din ang naitalang sugatan sa isa sa pinakamapaminsalang bagyo sa kasaysayan ng Southern America.

Kasunod nito, malugod na ibinalita ng Philippine Consulate General sa Los Angeles na walang napabilang na Filipino sa mga naitalang casualties.


Ayon kay Consul General Adelio Angelito Cruz, mayroong 70,000 mga Pinoy sa Houston na pang-apat sa pinaka malaking siyudad sa Estados Unidos.

Habang mayroon namang 5,000 Filipino sa Rio Grande Valley; at 5,000 sa San Antonio.

Kaugnay nito, patuloy ang ugnayan ng DFA sa ating konsulada sa Texas para sa kalagayan ng ating mga kababayan doon.

Maaari ding tumawag ang ating mga kababayan sa mga numerong ‎+1 (213) 587-0758.

Facebook Comments