DFA, kinumpirmang walang Pinoy casualties sa Indonesia

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipino ang nangyaring volcanic tsunami sa Indonesia.

Ayon kay Ambassador to Indonesia Leehiong Wee, sinabi ng National Disaster Management Authority na walang naapektuhan sa 220 na Pilipino sa tumamang tsunami sa Lampung at Banten.

Aniya, patuloy na nakikipag-ugnayan ang embahada sa mga miyembro ng Filipino community sa Banten.


Sa ngayon, pumalo na sa 222 tao ang namatay habang 843 naman ang sugatan sa insidente habang 28 ang nawawala.

Facebook Comments