DFA, kinumpirmang walang pinoy casualties sa pananalasa ng bagyo sa Vietnam

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na walang pinoy ang nasaktan o nasawi sa pananalasa ng bagyong Damrey sa Vietnam.

Sa pinakahuling datos mula sa Vietnam Govt., pumalo na sa 61 ang nasawi habang 28 pa ang kasalukuyang nawawala.

Kasunod nito nagpaabot na ng simpatya at pakikiramay ang Pilipinas sa Vietnam.


Samantala, patuloy naman ang koordinasyon ng ating embahada sa Hanoi sa mga Pinoy sa nasabing bansa.

Ayon kay Ambassador Noel Servigon tinututukan nila ang kalagayan ng nasa 4000 mga Filipino sa Vietnam upang matiyak na nasa maayos silang sitwasyon.

Nakahanda rin aniya silang magkaloob ng ayuda sa ating mga kababayan.

Nabatid na umabot na sa mahigit 2,000 bahay ang nawasak habang tinatayang nasa 80,000 imprastraktura din sinira ng bagyo.

Facebook Comments