Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Filipinon na nadamay sa explosion o pagsabog na naganap sa isang bakery o panaderya sa Paris, France.
Sa impormasyon na ipinarating ng French Ministry of Foreign Affairs sa sa Philippine Embassy sa Paris wala sa tatlong nasawi o sa halos limampung nasugatan sa pagsabog ay mula sa Pilipinas.
Kaugnay nito, nagpaabot ng pakikiramay si Chargé d’Affaires Aileen Mendiola sa pamilya at mga mahal sa buhay ng tatlong namatay sa pagsabog at nanalangin ng maagang paggaling ng mga nasugatan.
Sinabi ng opisyal na ang pagsabog sa panaderya sa kahabaan ng Rue de Trevise ay pinaniniwalaan na sanhi ng gas leak.
Mayroon 25,000 Pilipino sa France, karamihan sa kanila ay nasa Paris.
Facebook Comments