
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipinong nadamay sa mass shooting incident sa Bondi, Sydney, Australia.
Gayunman, patuloy umanong nakikipag-ugnayan ang Philippine Consulate General sa Sydney sa mga lokal na awtoridad upang beripikahin kung may mga Pilipinong naapektuhan ng insidente.
Pinayuhan ng DFA ang mga Pilipino sa Sydney na manatiling vigilant, iwasan ang mga apektadong lugar, at sundin ang mga abiso ng local authorities hanggang sa ideklarang ligtas ang lugar.
Sa kasalukuyan, 16 na ang naiulat na nasawi sa insidente, kabilang ang gunman.
Facebook Comments









