DFA, kinumpirmang walang Pinoy na nasaktan sa pager at walkie-talkie bombings ng Lebanon laban sa Israel

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipinong nadamay sa daan-daang pagers at walkie-talkies na ginamit ng Hezbollah Group sa pagpapasabog nito laban sa Israel.

Ayon kay DFA Usec. Eduardo De Vega, kinumpirma mismo ng Philippine Embassy sa Israel na walang Pinoy na nasaktan sa sunud-sunod na pagpapasabog ng Hezbollah Group ng Lebanon.

Tiniyak naman ni De Vega na patuloy ang kanilang pag-monitor sa sitwasyon.


Sa naturang pag-atake, 37 ang namatay habang halos 3,000 ang mga nasugatan.

Facebook Comments