DFA, kinumpirmang wlang Pinoy na nasawi sa paghagupit ng bagyong Hato sa Hong Kong at Macau

Manila, Philippines – Walang nasawi o nasaktang Filipino sa pananalasa ng bagyong Hato sa Hong Kong at Macau.

Ayon kay Dept. of Foreign Affairs Spokesperson Asec. Rob Bolivar ito ang kinumpirma sa ahensya nina Consul General Lilibeth Deapera ng Philippine Consulate in Macau at Deputy Consul General Roderico Atienza ng Philippine Consulate General sa Hong Kong.

Nabatid na bago pa man itaas sa signal #10 ay pinayagan nang mag day off ang mga OFW sa Hong Kong.


Alinsunod sa pina-iiral na patakaran sa Hong Kong kapag itinaas na sa signal #8 ay bawal ng lumabas ng mga bahay dahil sa panganib na dala ng bagyo.

Kasunod nito nagpahayag ng pakikiramay ang gobyerno ng Pilipinas sa mga nasawi sa nasabing kalamidad.

Sa ngayon may kabuoang 211,000 na mga Pinoy ang nasa Hong Kong habang 30,000 naman sa Macau.

Samantala, wala namang dapat pang ikabahala ang mga kaanak ng mga OFW na nasa Pilipinas dahil sa pinaka huling impormasyon ay unti-unti nang gumaganda ang panahon sa Hong Kong at Macau.

Facebook Comments