DFA, kumakalap pa ng impormasyon hinggil sa pagkasawi ng isang PBA legend dahil sa vehicular accident sa Cambodia

Manila, Philippines – Kasalukuyan pang beneberipika ng Department of Foreign Affairs sa Embahada natin sa Cambodia ang pagkasawi dahil sa isang aksidente ng PBA Legend na si Cristiano “Cris” Bolado.

Ayon kay Foreign Affairs Asst Sec. Rob Bolivar, patuloy pa silang kumakalap ng impormasyon.

Una nang kumalat sa post sa Facebook ng “Inasal Nation” ang Filipino restaurant sa Cambodia na pag-aari ni Bolado, ang pagkasawi ng dating PBA player dahil sa aksidente habang sakay ito ng motorsiklo.


Hindi naman nilinaw sa Facebook post kung ano ang iba pang detalye sa naganap na aksidente.

Si Bolado ay nakilala bilang “Jumbolado” sa PBA.

Kabilang sa mga koponan na kaniyang pinaglaruan ay ang Alaska, San Miguel, Coca-Cola, Purefoods at Gordon’s Gin.

Taong 2003 nang magretiro si Bolado bilang PBA player.

Facebook Comments