DFA, maghahain ng panibagong diplomatic protest laban sa China!

Ipinag-utos na ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. ang paghahain ng diplomatic protest laban sa China dahil sa ilang aktibidad nito sa West Philippine Sea.

Ayon kay Locsin, isiniwalat kasi sa kaniya ni Muntinlupa Representative Ruffy Biazon na may namataan na 150 Chinese vessels sa Iroquois Reef sa Spratly Islands na sakop ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Sa ginanap na budget deliberation ng National Security Council sa kamara, sinabi ni Biazon na ang mga Chinese vessels ay nagkukunwaring civilian vessels.


Matatandaan na nitong Marso lamang ay nasa 200 na Chinese vessel ang namataan sa Julian Felipe Reef na nasa loob ng EEZ.

Dahil dito, naghain din noon ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China batay sa rekomendasyon ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.

Facebook Comments