DFA maghahain ng protesta laban sa China hinggil sa panibagong konstruksyon sa WPS

Hinihintay na lamang ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang assessment mula kay National Security Adviser Hermogenes Esperon hinggil sa umano’y panibagong konstruksyon sa Kagitingan Reef sa Kalayaan Group of Island.

Ang pahayag ay ginawa ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin makaraang matanggap ang report hinggil sa sinasabing panibagong hub establishment ng China base sa report ng state news agency na Xinhua.

Tiniyak ni Locsin na maghahain ng protesta sa United Nations General Assembly ang Pilipinas kapag napatunayang totoo ang impormasyon.


Sinusugan din ng DFA ang naging pahayag ni Senior Justice Associate Antonio Carpio na maghain ng protesta ang Pilipinas kontra China at sa katunayan masipag aniya ang Pilipinas sa paghahain ng note verbal kada mabalitaan na nagtatayo ang China ng imprastraktura sa naturang disputed area.

Matatandaang sa report ng Xinhua, nagbukas ang China’s Ministry of Transport ng Maritime Rescue Center sa Yongshu Reef o pinag-aagawang Kagitingan Reef.

Facebook Comments