Magkakaroon ng field registration centers para sa overseas voters sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Ayon sa DFA, lumagda sa memorandum of agreement (MOA) ang kanilang Overseas Voting Secretariat (OVS) at ang Commission on Elections (COMELEC) para sa pagtatag ng local field registration centers para sa mga botante abroad.
Ilalagay ang registration centers sa consular offices sa ASEANA at NCR Central o sa Robinsons Galleria.
Sa nasabing centers, maaaring magrehistro bilang overseas voters ang mga Pilipino na magtutungo sa ibang bansa.
Ito ay para makaboto ang mga ito sa bansa na kanilang pupuntahan sa 2025 national elections.
Nagsimula ang continuing registration para overseas voting noong Disyembre ng nakaraang taon at magtatapos sa September 30, 2024.