DFA, magpapatupad ng “New Normal” process sa pagbubukas ng kanilang consular offices

Kasabay ng pagbubukas ng operasyon ng ilang Consular Offices ng Department of Foreign Affairs,magpapatupad ang DFA ng ‘New Normal’.

Layon nito na matiyak ang kaligtasan ng kalusugan ng kanilang mga tauhan gayundin ng mga mag-a-apply ng passport at iba pang consular services.

Ayon kay DFA Assistant Secretary for Consular Affairs Neil Frank Ferrer,bukod sa pagpapa-iral ng social distancing,ang mga mag-a-avail ng consular services ay kailangan nang magpa-schedule ng appointment via e-mail.


Sakop ng naturang panuntunan ang mga nasa Courtesy Lane gayundin ang nasa Diplomatic at Official Passports Section.

Ang pagbayad naman ng mga aplikante ay idadaan na sa online at ang passport ay idedeliver na lamang para maiwasan ang physical contact.

Facebook Comments