DFA mahigpit na mino-monitor ang mga Pinoy sa Amerika kasunod ng winter storm

Pinag-iingat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino sa Midwest at Northeast United States dahil sa nagpapatuloy na winter storm.

Ayon sa DFA ang nasabing winter storm ay patuloy na nakaka apekto sa New Jersey, Southern Connecticut at Southeast New York.

Ayon sa Philippine Consulate General sa New York kung maaari ay huwag na munang lumabas ng kanilang tahanan ang mga Pinoy na nakabase sa mga nabanggit na lugar.


Tiyaking may sapat ng food supplies, i-monitor ang weather developments at makinig sa anumang abiso ng mga otoridad.

Paalala pa ng DFA sa mga Pinoy na kailangan ng assistance ay huwag mag-atubili sa pagtawag sa mga numerong 917-294-0196 at 917-239-4118.

Facebook Comments