Handa ang Department of Foreign Affairs (DFA) na makipagtulungan sa mga bansang may inaangkin teritoryo sa West Philippine Sea.
Ito ang naging tugon ni Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella sa komento ni dating DFA Secretary Albert Del Rosario na dapat suportahan ng Pilipinas ang isinusulong na mga probisyon ng Vietnam sa code of conduct sa West Philippine Sea.
Nabatid na isa sa mga tinutulan ng Vietnam ang eksklusibong joint development deal sa China at mga Asean member states.
Bagaman at handang makipagtulungan, nilinaw naman ni Abella na hindi hahayaan ng pamahalaan na maangkin ang teritoryo ng Pilipinas.
Hangad lang nila na maging maayos ang pakikipag-usap para sa para sa kapayapaan at ikabubuti ng bawat bansa na nagsasabing may karapatan sila sa pinag-aagawang teritoryo.