DFA, mas pinabilis ang serbisyo sa pagkuha ng passport

Hindi na maghihintay nang matagal ang ating mga kababayang nais kumuha ng pasaporte kasunod ng mas pinabilis na serbisyo sa pagkuha ng passport.

Ayon sa Consular Services ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang regular na pagproseso ng pasaporte ay aabutin na lamang ng 10 araw mula sa dating 12 araw.

Habang 5 araw naman ang expedite processing mula sa dating 7 araw.


Sa labas naman ng Metro Manila, 12 araw na lang ang passport processing mula sa dating 15 araw para sa regular.

Bukod pa rito, mayroon ding passport-on-wheels ang ahensya para mas malawak na mapaabot ang kanilang serbisyo.

Facebook Comments