DFA, may bago nang spokesperson

55

May bagong tagapagsalita ang Department of Foreign Affairs (DFA).

Ito ay sa katauhan ni dating Philippine Ambassador to Chile Assistant Secrerary Ma. Teresita Daza.

Ayon sa DFA, si Daza ay beteranong career diplomat.


Nagsilbi rin dati si Daza bilang Philippine Ambassador to India, Chargé d’Affaires, ad interim at Deputy Permanent Representative sa Permanent Mission of the Philippines to ASEAN sa Jakarta, Indonesia.

Nagkaroon din siya ng iba’t ibang posisyon sa DFA kabilang na ang sa Office of ASEAN Affairs, Office of Protocol at Office of the Secretary-Economic Diplomacy Unit.

Si Daza rin ang unang babaeng DFA spokesperson matapos ang 18 taon.



Facebook Comments