Wala pang mga Pilipino na humihingi ng repatriation sa harap ng tensyon sa Russia.
Ngunit tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may contingency plans ang embahada sa Russia sakaling kailanganin na magpauwi.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DFA Asec. Paul Raymund Cortes na handa ang ahensya financially, logistically at mentally.
Ayon kay Cortes, mayroong 11 Pilipino na nasa Rostov-on-Don na malapit sa Ukraine-Russia border habang aabot sa 10,000 iba pa ang nasa iba’t ibang bahagi ng Russia.
Una nang nagpaalala ang embahada sa mga Pilipino sa Russia na manatiling mapagmatyag at mag-ingat.
Binalaan rin ang mga ito laban sa pagpo-post ng political opinions sa social media.
Facebook Comments