DFA, may iaanunsyong positibong balita sa kaso ni Mary Jane Veloso sa lalong madaling panahon

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may iaanunsyo silang positibo sa kaso ni Mary Jane Veloso sa lalong madaling panahon.

Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega, patuloy silang gumagawa ng paraan para mailigtas sa parusang kamatayan si Veloso.

Tinukoy ni De Vega ang patuloy na pag-uusap ng pamahalaan ng Pilipinas at Indonesia hinggil dito.


Una nang lumabas sa report ng Indonesia media ang planong paglilipat kay Veloso sa kulungan sa Pilipinas.

Bahagi ito ng plano ng Indonesian government na ilipat sa kulungan sa kani-kanilang mga bansa ang mga dayuhang nakakulong sa Indonesia.

Facebook Comments