Kasunod ng pagkakasama ng Austria sa travel ban ng Pilipinas sa mga bansang may kaso ng bagong variant ng COVID-19, nagpaalala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pilipinong nagbabalak umuwi ng Pilipinas.
Partikular ang apela ng DFA na ipagpaliban muna ang pag-uwi ng bansa hangga’t hindi natatapos ang travel ban sa January 15.
Ayon sa DFA, sa ngayon kasi puno pa rin ang quarantine facilities lalo na’t obligado ang lahat ng uuwing overseas Filipinos na sumailalim sa 14 na araw na quarantine kahit negatibo ang resulta ng kanilang RT-PCT test.
Ang mga dayuhan naman na walang visa ay hindi pahihintulutan na pumasok ng Pilipinas.
Sa ngayon, pinag-aaralan pa ng pamahalaan kung palalawigin ang travel ban.
Facebook Comments