Nanawagan ang Pilipinas sa Russia at Ukraine na wakasan na ang kanilang girian.
Ang panawagan ay ginawa ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa harap ng unang paggunita ng paglunsad ng Russia ng Special Military Operations laban sa Ukraine.
Nanindigan din ang Pilipinas sa pagsuporta sa limang UN resolutions para sa political independence ng Ukraine.
Suportado rin ng Pilipinas ang pinakahuling UN resolution para sa komprehensibo at pangmatagalang kapayapaan sa Ukraine.
Una na ring ipinaabot ni Pangulong Bongbong Marcos kay Ukrainian President Volodomyr Zelenskyy ang suporta nito sa hinahangad na kapayapaan ng Ukraine.
Facebook Comments