DFA: Mga OFW, pinayuhang lumikas na habang hindi pa malala ang tensyon sa Southern Lebanon

Patuloy ang paalala ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Overseas Filipino Workers (OFWs) sa lebanon na magpa-repatriate o umuwi na lang pauwi sa Pilipinas habang hindi pa lumalala ang tensyon sa Southern Lebanon.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega, mas maganda na maaga pa lamang ay umalis na sa naturang bansa ang mga kababayan natin doon upang hindi na maipit pa ng kaguluhan.

Ani De Vega, ang planong ito ay kasunod dahil itinaas nila sa alert level 3 ang Lebanon kasunod ng inaasahan pagbawi ng Israeli forces sa naturang bansa dahil sa pag tulong ng grupong Hezbollah sa militanteng Hamas.


Tiniyak naman ng ahensya na handa silang tumulong at umalalay sa pag-sagot sa mga pamasahe ng mga Pinoy na gugustuhin ng makabalik sa bansa sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments