Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na naghain sila ng dalawang panibagong diplomatic protests laban sa China.
Ayon sa DFA, isa rito ay bilang pagtutol sa patuloy na pamamalagi ng chinese coast guard at ang mga agresibong aksyon ng mga ito sa ating mga sundalo na nasa Bajo de Masinloc.
Ilang beses anilang sinundan, hinarang at niradyohan ang mga tauhan ng Chinese Coast Guard ang ating mga sundalo na nagsasagawa ng lehitimong patrol at training exercises noong Abril 24 at 25.
Pagtitiyak naman ng DFA, hindi sila titigil sa paghahain ng mga protesta sakaling magmatigas pa rin ang China at hindi umalis sa mga karagatang sakop ng ating teritoryo.
Facebook Comments