DFA, muling naghain ng protesta sa China dahil sa pagpapatunog ng sirena sa sasakyang pandagat ng Pilipinas

Naghain na ng protesta ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa China dahil sa iligal na pag-iisyu ng mahigit sa 200 radio challenges at pagpapatunog ng sirena ng barko nito sa sasakyang pandagat ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Sa inilabas na pahayag ng DFA sa twitter account nito, customary at routine patrol lamang ang ginagawa ng otoridad ng Pilipinas sa sakop ng teritoryo at maritime zones ng bansa.

Habang paliwanag pa ng DFA, nagiging banta sa kapayapaan, kaayusan at seguridad ng bansa ang ganitong mga insidente sa South China Sea na kontra sa dapat na obligasyon ng China sa ilalim ng International Law.


Matatandaang nitong Setyembre, aabot sa 150 barko ng China ang namataan WPS na nagsasagawa ng iligal na operasyon sa nasabing lugar.

Facebook Comments