DFA, naalarma sa balitang hinaharang ang mga OFW sa immigration ng Saudi Arabia at pinababalik ang mga ito sa Pilipinas dahil sa COVID-19

Aminado ang Deparment of Foreign Affairs o DFA na nababahala sila sa ilang reports na nagsasabing may ilang mga OFW na nagpunta ng Saudi Arabia para magtrabaho pero kalaunan ay pinabalik sa Pilipinas.

Sa Laging Handa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DFA Assistant Secretary Ed Meñez na maaaring mayrooon lamang misunderstanding o ‘di pagkakaunawaan kaya’t gusto nilang makuha ang panig ng Saudi Arabian Government.

Sa ngayon, walang umiiral na travel ban sa Saudi Arabia.


Kasunod nito, naka-monitor, aniya, ang ating embahada sa Riyadh upang ma-verify ang nasabing impormasyon.

Base sa mga reports, sinasabing hindi muna pinapapasok sa Saudi Arabia ang pilgrims, maging ang tourist visa ay hindi muna nila iiisyu sa mga mamamayan ng mga bansang may kaso ng COVID-19.

Facebook Comments