DFA, nababahala sa pagkasira ng mga bahura sa Iroqouis Reef

Nagpahayag ng pagkabahala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa natuklasan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG) sa seabed ng Iroquois Reef na nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Ito ay makaraang isiwalat ng AFP at PCG ang sira-sirang bahura sa Iroquois Reef na dulot ng pinaghihinalaang massive harvesting na ginawa ng mga Chinese maritime militia vessels sa lugar.

Ayon sa DFA, ang naturang pagkasira ng marine environment sa nasabing reef ay malaking dagok para sa mga mangingisdang Pilipino.


Apektado rin kasi nito ang kabuhayan ng mga mangingisda sapagkat ang pagkasira ng mga corals na tirahan at pangitlugan ng mga isda ay magdudulot ng pagkonti ng mga isda sa lugar.

Kaugnay nito ay nanawagan naman ang DFA sa mga kinauukulan na itigil na ang mga ilegal na aktibidad sa lugar upang mapangalagaan ang marine environment at maging ang kabuhayan ng mga mangingisda sa Iroquois Reef.

Facebook Comments