DFA, nababahala sa panibagong ballistic missile launch ng North Korea

229

Nababahala ang Pilipinas sa ballistic missile launch na ginawa ng North Korea nitong March 25, 2021.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang naturang hakbang ay makakaapekto hindi lamang sa kapayapaan ng Korean Peninsula kundi maging ng buong rehiyon ng Asya.

Kaugnay nito, muling nanawagan ang DFA sa North Korea na tumalima sa international obligations sa ilalim ng UN Security Council resolutions at sa proseso ng dayalogo.


Facebook Comments