Kinumpirma ng pulisya na nakatanggap ng bomb threat ang tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Roxas Boulevard, Pasay City.
Sa paunang imbestigasyon, alas-6:30 ng umaga ng may matanggap na e-mail ang ilang empleyado sa Embassy sa Canada hinggil sa naturang banta.
Kaya’t inalerto ng mga tauhan ng embahada ang mismong tanggapan ng DFA.
Kaugnay nito, agad na sinuri ng Pasay Philippine National Police-Special Weapons and Tactics (PNP-SWAT), K9 Unit ng Philippine Coast Guard (PCG), at security ng DFA ang buong paligid ng nasabing tanggapan.
Hindi pa rin pinapapasok ang ilang empleyado na nananatili sa labas kung saan mahigpit na seguridad ang ipinapatupad sa loob at labas ng DFA.
Nananatili rin sarado sa mga motorista ang harapan ng DFA partikular ang service road ng Roxas Boulevard.