
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na bahagya nang binuksan ang airspace ng Bahrain.
Pero ang airspace ng Kuwait ay nananatiling sarado.
Nananatili ring partially open ang airspace ng Qatar at United Arab Emirates.
Sa kabila nito, nananatili namang suspendido ang flights ng Philippine Airlines (PAL) sa Doha, Qatar hanggang June 1.
Nananatili namang bukas ang airspace ng Oman, Saudi Arabia, Egypt at Turkiye.
Ang Cebu Pacific naman ay suspendido pa rin ang flights patungong Dubai, UAE hanggang April 30.
At ang PAL ay suspendido rin ang flights sa Dubai hanggang May 31.
Facebook Comments










