DFA, nag-abiso na sarado ang kanilang consular offices sa Lunes

Nag-abiso ang Department of Foreign Affairs (DFA) na sarado ang kanilang Office of Consular Affairs sa Aseana sa Parañaque City at ang lahat ng consular offices sa buong bansa sa Lunes.

Kaugnay ito ng pag-obserba ng All Saints Day.

Bunga nito, muling bubuksan ng DFA ang pagproseso ng mga passport, gayundin ang authentication at iba pang consular services sa Martes, November 2, 2021.


Inaabisuhan din ng DFA ang publiko sa posibleng mga pagbabago sa schedule dahil sa mga polisiya ng
Local Government Units (LGU) at ng mga establisyemento na nagho-host ng DFA Consular Offices.

Facebook Comments