Pinayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino na manatiling vigilante laban sa mga illegal recruiters na nag-aalok ng trabaho abroad sa pamamagitan ng social media.
Ang paalala ay bunsod ng nangyari sa isang 27-year-old Filipina na nabiktima ng illegal recruiters na pinangakuang magkakatrabaho sa Dubai.
Bandang huli nagtamo ang pinay ng spinal fracture matapos tumalon sa gusali para takasan ang kanyang illegal recruiter.
Ayon sa DFA ang naturang OFW ay nakita lamang ang job offer sa social media, pumasok ito sa United Arab Emirates (UAE) noong Disyembre gamit ang tourist visa.
Pagkarating sa UAE, dinala ito sa agency kung saan sya kinulong at hindi pinakain ng ilang araw
Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang ating Konsulada sa Dubai para sa repatriation ng biktima.
Kasunod nito, muling pinaalalahanan ng DFA ang mga aplikante na tiyaking legit ang job offer sa abroad sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Philippine Overseas Labor Offices abroad.