DFA, nagbabala sa Pinoy seafarers na mas mapanganib ngayon ang Red Sea

Nagbabala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Filipino seafarers na mas mapanganib ngayon ang maglayag sa Red Sea.

Ayon sa DFA, lalo pang lumala ang nasabing panganib dahil sa away sa Red Sea.

Kaugnay nito, hinikayat ng DFA ang lahat ng tripulanteng Pilipino na gamitin ang kanilang karapatan na huwag lumayag sa Red Sea.


Magugunitang ilang Pinoy seafarers na ang makailang beses na nadamay sa pag-atake ng mga rebelde sa Red Sea at Gulf of Aden.

Facebook Comments