DFA, nagbabala sa publiko kaugnay ng mga nag-aalok ng passport renewal sa social media

Nagbabala sa publiko ang Office of Consular Affairs ng Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay ng pagkuha ng passport appointments assistance sa Facebook groups at iba pang social media chat groups na nag-aalok ng passport appointments services online.

Ayon sa DFA, marami silang natanggap na sumbong mula sa mga nag-avail ng aplikasyon sa social media at ang nakuhang application form ay tampered o peke at mali-mali ang instruction na nakasulat.

Bukod dito, overpriced din ang presyo ng passport na sinisingil sa mga aplikante.


Bunga nito, lalo anilang natatagalan ang pagproseso sa passport ng applicant dahil dumadaan ito sa masusing pagbusisi.

Facebook Comments