DFA, nagbabala sa publiko laban sa mga non-authorized website na nagsasabing kayang mapadali ang Philippine e-visa

Nagbabala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa publiko laban sa mga huwad na website na nagsasabing pinapadali ang Philippine e-visas.

Ayon sa ahensya, mayroong website na naglalaman ng mga pekeng data sa e-visa at iba pang mga regulasyon na ipinakalat.

Nilinaw ng departamento na ang impormasyon sa e-visa ay ilalathala lamang sa pamamagitan ng mga opisyal na channel nito, kung saan ang sistema ng e-visa ng Pilipinas ay ilulunsad sa Philippine Foreign Service Posts sa China sa Agosto 24, 2023.


Samantala, nilinaw naman ng DFA ang sistema ng e-visa ng Pilipinas ay kasalukuyang binuo sa pakikipagtulungan sa Department of Information and Communications Technology (DICT).

Facebook Comments