DFA, nagbukas ng passport appointments sa NCR Plus sa harap ng mga reklamo sa kawalan ng slots

Sa harap ng reklamo ng publiko hinggil sa kawalan ng slots para sa pag-apply at renewal ng passport, nagbukas ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 177,500 passport appointment slots sa NCR Plus area.

Ang slots ay magiging available sa 5 special off-site locations sa NCR.

Ang DFA Temporary Offsite Passport Services (TOPS) offices ay bubuksan sa SM Mall of Asia, SM City North Edsa, SM Aura, Robinsons Place Las Piñas at Robinson’s Place Magnolia.


Pinapayuhan naman ng DFA ang publiko na iwasang makipagtransaksyon sa mga fixers na nag-aalok ng slots sa passport application o renewal kapalit ng halaga.

Facebook Comments