DFA, nagdagdag ng appointment slots para sa mga mag-a-apply at magre-renew ng passport

Manila, Philippines – Binuksan ng Department of Foreign Affairs ang libo-libong appointment slots para sa mga nais mag-apply at mag-renew ng kanilang pasaporte.

Ayon kay Assistant Secretary Frank Cimafranca ng Office of Consular Affairs, karagdagang 94,350 slots ang binuksan mula Hulyo hanggang Agosto habang marami pang slots ang bubuksan simula bukas August 25 para sa September appointments.

Sinabi ni Cimafranca, ang karamihan dito o 62,450 additional slots ay dahil sa pagtaas ng consular offices’ appointment quotas, habang ang 31,900 na slots ay bunga ng paglilinis o pagtanggal sa mga fixer sa ahensya


Kasunod nito pinaalalahanan ni Cimafranca ang mga senior citizens, persons with disabilities, solo parents, pregnant women at menor de edad (seven years old and below) na maaari silang magtungo sa DFA bilang walk in o walang prior appointments.
Paalala pa nito na libre ang appointment slots kung kaya’t wag nang magpapa-uto o tangkilikin ang mga fixers.

Facebook Comments