DFA, naghain na ng diplomatic protest matapos ang pagbangga at pag-abandona ng Chinese vessel sa bangka ng mangingisda sa West Philippine Sea

Naghain na ng diplomatic protest ang Deparment of Foreign Affairs matapos banggain ng Chinese fishing vessel ang bangka ng mga mangingisdang pinoy sa Recto bank sa West Philippine Sea.

 

Sa naging pahayag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa kaniyang twitter account kahapon pa daw siya naghain ng diplomatic protest bilang sagot sa rekomendasyon ni Sen. Antonio Trillanes IV na ipaabot ang insidente sa Maritime Safety Committee ng International Maritime Organization o IMO.

 

Sinabi pa ni Locsin na tutukan din nila ang merito ng kaso habang pinag-aaralan ito ng IMO na isang specialized agency ng united nation na siyang tumtutok sa kaligtasan at seguridad sa paglalayag ng mga barko.


 

Una nang itinuring ng DFA na ‘kalait-lait’ at ‘kasumpa-sumpa’ ang pag-abandona sa 22 Pilipinong mangingisda at mabuti na lamang ay nailigtas sila ng fishing vessel ng Vietnam.

 

Kakausapin din ng Gobyerno ng Pilipinas ang Beijing upang hilingin na bigyan ng sanction ang mga crew ng Chinese ship na na-involved sa insidente.

 

Dahil sa pangyayari, ilan pang mga senador ang nagtatanong ngayon kung talagang kaibigan nga ng Pilipinas ang bansang China.

Facebook Comments