Naghain na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng kasong kriminal sa Kuwait dahil sa pagkamatay ng isang Overseas Filipino Worker (OFW).
Nabatid na nakipag-ugnayan na ang DFA sa Embahada ng Pilipinas sa Kuwait para sa kasong pagpatay kay Ma. Constancia Lago Dayag.
Kumuha na rin anila ng abogado para sa legal assistance sa kaso ni Dayag.
Sinabi rin ng DFA na tuloy ang pagbibigay ng iba pang kailangang tulong para maresolba ang kaso ni Dayag.
Matatandaang napag-alamang nilagyan ng pipino ang pribadong parte ni Dayag nang isugod sa Al Sabah Hospital noong May 14.
Facebook Comments